OPLAN IPON: Maliit na bagay, malayo ang mararating.

OPLAN IPON: Maliit na bagay, malayo ang mararating.

Submitted by 05698-1 on 5 February, 2020
OPLAN IPON: Maliit na bagay, malayo ang mararating.

Sa naunang post, nabangit kung ano nga ba ang madalas na dahilan natin kung bakit hirap tayong magsimulang mag-ipon. Ang pinaka-madalas mong marinig:

Paano ako mag-iipon kung WALA namang iipunin?”

Pero ang malaking tanong: wala nga ba? Madalas, ang iniisip natin, oo, wala talaga, ang hindi natin nare-realize, maraming mga maliliit na bagay na maaari nating pagumpisahan. Ang mga maliliit na bagay na ito, kapag pinagsama-sama malayo ang mararating.

Isang gasgas na example ay ang halaga ng isang maliit na bote ng inumin. Kapag nasa labas tayo, o kahit minsan, nasa bahay lang tayo, bumibili tayo ng isang bote ng softrdrinks o kaya juice dahil nauuhaw.

Ang bawat bote ay may halagang 15 to 20 pesos lang. Kung araw-araw natin itong ginagawa, ang bente pesos, sa isang linggo, ay nagkakahalaga na ng 140 pesos; at sa isang buwan, 560 pesos. Sa isang taon, kung inipon na lang natin imbis na ibinili ng juice o soft drinks, meron na sana tayong 6,720.00; Maliit na bagay, pero malayo ang mararating.