OPLAN IPON: kung walang itinanim, walang aanihin

OPLAN IPON: kung walang itinanim, walang aanihin

Submitted by 04361-2 on 29 January, 2020
OPLAN IPON: kung walang itinanim, walang aanihin

Simula nanaman ng bagong taon, bagong dekada. Sa tuwing darating ito, lagi natin iniisip:Ngayong taon mag-iipon na talaga ako. Sisimulan ko na.Pero natutuloy ba?

Bakit nga ba napaka-hirap mag-ipon? Madami sa atin ito ang sagot:

1. Masyado akong madaming gastusin, wala akong extra.

2. Sa hirap ng trabaho ko, kailangan ko naman i-reward ang sarili ko. Ipon? Tsaka na yan

3. Paano ako mag-iipon kung wala namang iipunin?

Lagi nating tatandaan, kung walang sisimulan, walang tatapusin. Kung walang itinanim, wala ding aanihin! Kung di ka magsisimula ngayon, walang kapupuntahan ang new year’s resolution mo na “mag-iipon na ako”.

Sa mga susunod na posts, bibigyan namin kayo ng mga praktikal na tips kung paano nga ba magsisimula, at kung paanong masisigurong tama ang iyong paraan para maisakatuparan na ang “OPLAN IPON”!