OPLAN IPON: Wants vs Needs

OPLAN IPON: Wants vs Needs

Submitted by 05698-1 on 26 February, 2020
wants VS Needs

Madalas nating tanungin ang ating sarili:

“Paano ako mag-iipon

kung WALA namang iipunin?”

Isa sa pinaka madaling paraan para malaman kung “wala nga ba talaga” ay mag-lista ng iyong mga gastusin sa isang tipikal na araw. Halimbawa:

1. Pamasahe papasok sa trabaho (20)
2. Almusal sa Jollibee (150)
3. Lunch sa Mcdo (170)
4. Milk Tea (120)
5. Pamasahe Pauwi (20)

Mula sa listahang ito, tignan ang bawat isang gastusin, at i-identify kung ito ba ay “want” o “need”. Mahalagang isa-isahin ang listahan. Itanong mo sa iyong sarili, talaga bang kailangan ko ito? May paraan ba para matipid ko ito?

Mula sa mga “wants” o bagay na “gusto” lamang, maaari kang magbawas o magtanggal. Sa naunang halimbawa, kung araw-araw kang bumubili ng Milk tea na may halagang 120 peso, sa loob ng limang araw na hindi mo bibilhin ang “want” na ito, meron ka nang 600 pesos. Sa apat na linggo, it ay 3,000 pesos na dagdag sa iyong #IponGoals.